The goal of Simpleng Luto is to share the simple recipe that is prepared and cooked in the simplest way. A simple cooking for a simplest Filipino taste, lutong-pinoy lasang-pinoy. Simpleng Luto is more on Lutong Bahay recipes or cooked mostly by simple Filipino family on day-to-day living.

Ginisang Talong



Sauteed Eggplant in English alam ko na alam nyo na yan sa English, para sa SEO lang yan para sakaling may puti na mag type sa search engine ng word na yan baka sakaling lumabas. Anyway, isa nanamang Simpleng Luto para sa ating mga simpleng panlasa. Ang talong.... Mura at masustansya kahit sa simpleng gisa.

Ingredients:

Talong
Sibuyas
Bawang
1 itlog (egg)
Siling Haba
Konting adobong baboy na tira kahapon

Iprito ng mabilisan ang konting karne ng baboy sa konting mantika. Igisa ang bawang, sibuyas at ang hiniwang siling haba at isama na rin ang talong sa pag gisa. Hayaang maluto at ilagay ang itlog pag malapit nang hanguin sa apoy. At may masarap ka nanaman na ulam na hindi magastos.


0 comments: